Showing posts with label self awareness for idiots. Show all posts
Showing posts with label self awareness for idiots. Show all posts

Thursday, November 12, 2015

MM LEADERSHIP CALL TO ARMS BY JERMITS G. RABONZA

Hello Prof Jorge.
Hope everything's well.
Here is my piece for tonight.


EKSAMEN
Ni Jermits Rabonza

 Sa ating kagalang-galang na guro, Prof. Jorge.
Sa lahat sa inyo mga lider-kamag-aral.
Magandang gabi.

Hindi kayo naguguluhan. Makatapos ng halos dalawampu't isang salita, malinaw na sa atin na mairaraos ko 'tong talumpati ito.

Anong ba talaga ang gusto kong paksa? Sabi natin sa klase, kahit ano… marami …. basta kung saan ka "passionate"
Pili ka. Naku yari!
I have so many things to talk about that I might miss the whole essence of this exercise.

Sa dami pinagdaanan nating pagsusulit- mula sa eskuwela, sa trabaho, sa pagkuha ng lisensiya, sa mga laro, sa buhay.  Sabi nga ni Tupac Shakur, "every day is a test."

Naniniwala akong ang pinakamahirap na eksamen ay ang tunay na pagkilala sa sarili.
At hindi ito natatapos sa bio-data at vital-statistics.

Sino ba talaga ko?
What do I stand for?
What do I really want in life?

Kagaya ng maraming bagay sa tatlumpu't apat na taon ng buhay ko, nahihiwagaan parin ako kung bakit ako nandito….
-          Bakit ako nag-eeMBA at hindi nag-vocational?
-          Bakit sa Ateneo? Bakit hindi sa TESDA?
-          Bakit ako nag-enrol sa Leadership class? Bakit hindi Solar Night Light Assembly… sa TESDA (oo, solar tapos night light!)
-          Bakit minsan nag-eenjoy ako. Minsan hindi.
-          Bukod sa grading kwatro, ano ba talaga ang gusto ko?

Tumingin ka sa katabi mo at itanong, "Ikaw, bukod sa pumasa, alam ba ang gusto mo sa buhay?"

Wala sa horoscope at tarot card ang sagot.
Wala kay Marcelo Santos III or dun sa paborito mong manghuhula.
Lalong wala sa agimat na bala.

Wag ka nang lumayo. Ikaw rin ang makakasagot!

Talong henerasyon ng pilosopo ang nangaral ng tunay na pagkakilala sa sarili.  
Magbalik tanaw tayo.
Sabi ng Pilosopong Socrates, "an unexamined life is not worth living."
Sinegundahan ito ni Plato na kayang eskwela, "the essence of all knowledge is self-knowledge" at ni Aristotle, "knowing yourself is the beginning of all wisdom."
Sabi ko naman, "E di wow!"

Sakin naman, "in order to uncover what you really want in life, one has to live it."
It takes a lot of courage and humility to immerse deeper with our inner self.

Napapanahon itong mga pilosopiyang ito sa kabila ng maraming pinagkakaabalahang-karaniwan natin sa araw-araw. We are so absorbed with what happening around us, we tend to get lost with ourselves along the way.

Hindi tayo nababaliw, but there will be many voices out there telling you who to be, how to act and what to do.

Sa palagay ko, bukod sa young adult novels, magandang hanapbuhay ang pagsulat ng mga self-help books. Nakakatawa, imagine… SELF-AWARENESS FOR IDIOTS BY JERMITS RABONZA. May market kasi. Bibili ba kayo?

Again. You don't need others to tell you who you are. You are your own person.

Hinahalintulad ko yung pagkilala sa sarili nung nagsisinop ako ng 2016 brand marketing plan:
1.       What do you stand for? / Ano ang mission at purpose mo sa buhay?
2.       Where are you now? / Ano ang mga sinserong kahinaan at kalakasan mo?
3.       Where do you want to go? / Ano ang mga pangarap mo? Saan ka magiging masaya/fulfilled?
4.       How do you to get there? / Paano at kalian mo mararating?
5.       Why do you want to get there? / Bakit mo ito gusto?
6.       How would you know you got there?
7.       Ta-target ka ba?

Ang daming tanong.
Sa palagay niyo siguro ay kilalang-kilala ko na ang sarili ko? Hindi. Pero I strive to know myself more. Everyday.

Ayon sa librong, "The Purpose Driven Life" ni Rick Warren, we can discover our purpose through speculation and revelation. Of course it all starts with God. We do all the work.

Mula sa defining moments, nag-aral ako. Nag-working student. Nagtapos. Nag-trabaho. Nag-aaral uli. Planong magtapos. Sa totoo, gusto ko din minsan matulog.

Yung strengths at weaknesses na akala ko ay pang job interview at evaluation lang ay mga bagay na natagalan pa nga akong sagutan sa learning agreement natin sa klase. Nagpapatunay na at any given point, we sometimes struggle to come to terms with ourselves and confidently share them to others.

Masaya akong nagsusulat- English, Tagalog, Tag-lish. Minsan walang sense. Madalas, masarap basahin. I love writing about the daily grind and slices of life. Naging active ako newsletters nung high school at college. Pag may pagkakataon, nagsusulat ako para ipakita sa ilang kaibigan at sa misis ko. Pangarap ko parin ang makapag-ambag ng piyesa sa Youngblood at magkaroon ng mala-Bob Ong or Lourd De Veyra na piyesa. Sarap mangarap. Malay mo.

Higit na maswerte yung mga bata pa lang, alam na nila kung sino sila at kung ano ang gusto nila sa buhay… pero mangilan-ngilan lang sila- sila Henry Sy ng Shoe Mart at Socorro Ramos ng National Book Store.

Kinasal at nagkapamilya ako makalipas ang 13 taon. Nakasal ako sa may crush sakin nung college, si Mary Ann. Habambuhay kong ipinagpapasalamat kay Papa Lord na sinagot niya ako ng, "Oo mahal narin kita" makalipas ng di mabilang na basted ko nung nakaraan. Araw-araw kong pinahahalagahan at mamahalin ang 1 buhay na regalo niya, si Mateo.

Since I started working, I really wanted to be in sales and marketing. The world of selling and branding is something that sparks my creativity and imagination. I wish to be around successful retail gurus because I want to learn from them. From an entry level marketer to where I am right now, masasabi kong wala akong karapatang magreklamo! Sobrang blessed.