Hello Prof. Jorge,
Here's my reflection paper on defining moments.
_________________________________________________________________________________________________________
MY LIFE'S DEFINING MOMENTS
Jermits G. Rabonza
Nakalahad sa Filipino
Sinisimulan ko ang kwentong ito sa pag-aakalang madaling magbalik tanaw sa buhay.
Hindi pala. Umpisa palang, parang gusto ko nang isara ang memorya ko.
Pero sige. Subukan.
What were your defining moments? What incidents events taught you to be better/transformed you?
Lumaki ako ng hindi kumpleto ang pamilya. Katulad ng marami, maagang nagsama, nag-asawa at naghiwalay and mga magulang ako. Ipinanganak ako sa pamilya ng mga nasa serbisyo sa sandatahan at kapulisan. Ang papa ko, si Henry na nanungkulan sa navy, mga kapatid niya naman ay nasa army. Ang mama ko si Isabelita, minsan laborer, madalas na housewife. Parehong mga magulang ko ay anak ng mga beterano sa hukbong sandatahan. Lahat ay mahahalagang tauhan sa ilang defining moments sa buhay ko.
Ang mga magulang ko ay nag asawa nung edad 17. Hindi ko lubos na nauunawan paanong napayagan iyon gayung istrikto ang parehong pamilya. Sa una medyo may tension sa bawat panig- kalaunan nagkatanggapan narin ang mga mag-balae.
Pangalawa ako sa tatlong anak- si Joanna ang panganay at Jhian, bunso.
Naging payak ang pamumuhay naming noon. Sapat lang ang kinikita ng papa habang tulong ng mama ang pagiging saleslady sa Virra Mall (walking distance- sa likod lang ng barangay). Bilang bata, masaya kayang lumaki sa bahay namin. Bago sila mag-opisina, lagi kaming may piso, bigay ni mama pambili ng taho; pasalubong naman na Dunkin Donuts araw-araw pag-uwi. Normal na pamilyang Pilipino nuong araw.
Yung papa ko ay mabisyo at mabarkada- siguro'y di pa sawa sa pagka-binata. Ang paminsan na pagtatalo ay naging arawan. Sa murang edad ay naging saksing-pipi ako sa mga away sa pera, alak, babae, barkada, sugal at marami pang iba. Maagang nawala sa serbisyo ang papa. Kung na-discharge man o nag-retiro, hindi ako na alam. Basta ang malinaw, lumalaki ang pangangailangang pinansiyal dahil sa mag-aaral na kaming magkakapatid.
Dahil sa pangangailangan, nangibang-bayan ang mama ko nung 1989 makatapos manganak kay bunso. Excited pa kami nuong una kasi bigtime ang mga nag-aabroad! Bagong sapatos, pabangong Polo Sport, mga pera sa Middle East na malaki ang palitan sa piso. Lahat naman ito ay nagampanang mahusay ni mama hanggang dumating ang mga taon na hindi na siya sumusulat, ni padala ng voice recording sa cassette. Ito yung simula ng panandaliang pag-abanduna niya sa amin. (Mahigit 15 taon din bago kami nagkaroon ng communication- salamat technology! salamat Facebook at Viber.)
Dito sa Pilipinas, nangyari and mga hindi isahasan, sumakabilang buhay si Joanna nuong 1991 dahil sa sakit; sumunod ang tatay nuong 1995 dahil sa kumplikasyon sa liver. Lumaki na kami ng kapatid ko sa paternal grandparents- pamilya din ng mga sundalo at pulis. Naging biyaya sila sa amin dahil sa pagkupkop at pagmamahal sa dalawang bata na para naring naulila. Papahirap narin ang buhay noon nung mag-retiro ang lolo. Napagkakasaya ang konting pensyon mula sa gobyerno. Naging patunay ang palipat ko ng public school sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa buhay. Madalas pa nito ang mga naiiwang bayarin sa tubig, kuryente at gastusin sa araw-araw. Naging pagsubok naming ito hanggang pagtuntong ko ng kolehiyo.
Sa mga panahon na iyon ay marami akong tanong- sa sarili ko, na mga magulang ko, sa Diyos.
1. "Ano ang kaya kong gawin para makatulong sa kabuhayan namin?"
2. "Sino magtutustos ng pag-eeskwela ko?"
3. "Nasaan ka mama ngayong kailangang-kailangan ka namin?" "Nasaan na mga pinangako mong Polo Sport at mga sapatos?"Nasaan na ang pangako mong magandang buhay?
4. "Lord, bakit ganito ang nangayayari sa bukay ko?"
Itong mga tanong kasama ang maraming senti moments habang nakatingin sa kawalan, mag-isa at bibitaw ng isang malaking buntung hininga. Madalas na pag-daydream kung anong buhay ang gusto ko para sa akin, sa kapatid ko at para sa magiging pamilya ko.
Wala akong naging sagot sa lahat ng tanong. Ngunit ang sigurado, dapat may gawin ako- hindi bukas…. ngayon. ASAP!
Nagdasal akong bahagya, taimtim- kalahati nagtatanong parin, malaking bahagi ang pagpapasalamat at paghingi ng tulong- "Lord, I want to take charge of my life now for the future. Baguhin mo ang puso at pagkatao ko."
Ito ang bagong misyon sa buhay. Buo ang loob ko na gusto ko ng magandang personal na pagbabago.
1. "Mag-wo-working student ako!"
Pantustos na yung sweldo ko sa KFC at ACA Video sa pag-aaral. Yung sobra ay pang-grocery. Mahirap pala 'to pero alam kong may pinaglalaanan akong may kabuluhan. Parang tulong-lambing ko na sa lolo at lola ko.
2. "Magtatapos ako ng kolehiyo!"
Taas noo kong sasabihin sa buong mundo na produkto ako ng public school system- iskolar ng bayan!
"I am a proud graduate of the Polytechnic University of the Philippines with a degree in Advertising and Public Relations." (naks! English)
3. "Magkaroon ako ng disenteng trabaho para pag-aaralin ko ang kapatid ko." –
Naging bahagi ng sales ang marketing sa ilang multi-national companies- Mandom, AstraZeneca, Pfizer, Sony. Pagkatapos ng ilang bisita sa registrar at cashier gayundin ang di mabilang na promissory note, napagtapos ko si Jhian ng Marketing sa Central Colleges of the Philippines nuong 2006. (Isang imaginary pat on the back galing sa papa ko)
4. "I will work my way up the corporate ladder." I still do- everyday.
5. "Gusto ko ng magandang buhay para sa mga magiging asaw at mga anak ko." Dapat.
Siguro nga ay maaga akong nag-mature sa buhay. Lahat ito ay hindi magiging ganap kung hindi ako nagtanong at kumilos.
Sa ngayon, sa bawat araw ng ating buhay ay tuluy-tuloy parin ang laban.
Where we are now is a result of life-changing decisions we made by our previous self.
Reflections:
What are the new learnings? / What is the relation to what I already know?
Maraming bagong aral ang natutunan ko habang nagbabalik-tanaw.
1. Kailangan ng "defining moment" para masukat ang character at determinasyon ng isang lider.
- Sa akdang ito, pagsubok sa kabuhayan ang naging tipping point para sabihin kong, "I want to take control of my life."
2. Be clear of what you want in life.
3. Maging masinop sa mga paraan para maabot ang misyon sa buhay.
4. Handang kumilos.
5. As you take control of your life, let God be at the center of your faith; your family as your purpose and your career as an important enabler.
Nuong una, hindi ako kumportableng balikan yung nakaraan ako- mahirap, emosyonal at maraming drama. Pero kailangan ko rin para itong gawin para mapahalagahan mo ang mga importanteng tao sa buhay ko. Kundi dahil sa mga pinagtahi-tahing karanasan, walang leksyon… walang personal na pagbabago.
Salamat sa mama at papa ko na hindi man sinadya ay binigyan ako ng maraming pagkakataong magdesisyon para saking sarili.
Sa lolo at lola ko- habambuhay ko ipagpapasalamat ang iyong kabutihan at pagmamahal.
What will I do regarding topic?
Ang klaro sa akin ay kailangan kong maging ehemplo and inspiration sa ibang lalo na sa mga kasama ko sa trabaho at eskwela. Katulad ng magagandang kwento at talambuhay ng mahuhusay na lider:
1. Hindi hadlang ang kahirapan, kapansanan, pagkakataon para magtagumpay.
2. Pamunuan mo ng mahusay ang sarili mong buhay bago maging lider sa iba. Be an inspiration to others.
3. Maging masinop at masipag.
4. Maging mapagkumbaba sa Diyos at sa lahat.
Naging makabuluhan itong reflection activity para mabalikang-linaw ko kung ang mga mithiin sa buhay sa hinaharap - bilang tatay, asawa, manager-lider ng 3M para sa nakararami.
Karaniwan na sa mga aklat ng magagandang kwentong buhay ay nagsisimula sa- "noong unang panahon…,"
Nagsimula ang sa akin ng gawin ako ang pinakamahalagang desisyon ko sa buhay, "I want to take control of my life."
Hanggang sa muling akda.
Tamang paggawa ng reflection.
Good
Jermits Rabonza 4
Nawa'y maging inspirasyon ka sa iba. Mahusay and you must be so proud of how you've surpassed your trials, you've come a long way :-) This is one story you should tell your little boy in due time.
ReplyDeleteNice Jermits! sobrang nakaka inspire ang kwento ng buhay mo, iisipin mo pang pelikula pero nangyari sa totoong buhay. This one is really worth reading :)
ReplyDeleteMas maganda pag we go to next subject matter: the movie, Joseph Campbell monomyth, and your life story. Thanks for your comment. That counts as part of class recitation. Keep this up
ReplyDeleteVery inspiring story... good job leader jermits.
ReplyDeleteWell done bro, truly inspiring!
ReplyDelete