Friday, December 18, 2015

MM Leadership - Final Integrative Paper by Jermits Rabonza

 


FINAL INTEGRATIVE PAPER

LEADER JERMELITO G. RABONZA

MIDDLE MANAGER LEADERSHIP CLASS

ATENEO GRADUATE SCHOOL OF BUSINESS





Sabi ni Reggie Pulumbarit, General Manager ng 3M Retail Market Center at boss ng boss ko na para maging mahusay ang presentation, unahin ang punchline.



"Na-promote na ako." Naks!



Simula ng linggong ito hanggang ngayon ay ang pinakamasayang kabanata ng buhay propesyunal ko.

Oo, high ako!

Hanggang ngayon, ay wala sa hinagip kong mapagkatiwalaang higit pa sa inaasam ko, "I originally wanted to become a Marketing Head next year. I am honored (and humbled) na mapagkatiwalaang Sales and Marketing Head ng isa sa pinaka-vibrant na division ng kumpaya."



Nakaka-tatlu't kalahating revisions nako. Hindi ko parin atintana.

Hangad ko kasing ibahagi ang mga aral sa loob at labas ng eskuwela na maaring maging makabuluhang inspirasyon sa ating lahat.



Masaya akong balikan na nangyari itong malaking pagbabago sa karera ko habang papatapos tayo sa leadership class.



Coincidence? Siguro.

Tsamba? Hindi naman.

Fate? Destiny? Hindi ko alam.






Ang sigurado ako ay may nakita sakin ang mga boss ko.

Tinanong ko kung ano yun. Sabi nila, "hardwork, passion, leadership. hardwork ulit."



Hindi nako nagtanong ulit. Klaro pa sa sikat ng araw. Tama sila. Pareho kami ng nakita.



Yung nakita nila sa akin ay sumasalamin sa buong tatlumpu't apat na taon ng buhay ko at naging sentro ng katuturan sa leadership class.



ISANG SINSERONG PAG-IIMBENTARYO SA SARILI.

Hind ko masasagot ang tanong where am I now kung hindi ko alam kung sino ako? Kumbaga sa brand marketing, ito ang imbentaryo ng lahat ng meron ang isang produkto. Before your basic marketing Ps, there's the brand identity. Ano ba malalim na pagkakakila ko kay JERMELITO GARAN RABONZA?


Simon Mainwaring is an award-winning branding consultant, advertising creative director, and social media specialist and blogger. He is recognized for his thought leadership on the impact that social media is having on brands and consumers, and ultimately how the new dynamics between them will alter the accepted paradigms of marketing, advertising, and even capitalism itself.



Isa ito sa pinaka-masayang pagbabalik tanaw sa buong pagkatao ko.

Payagan ninyong ibahagi ko ulit ang aking buhay sa inyo.

No holds barred. No edits.



Ang totoong lider, makapal ang mukha.

Sabi ko naman, ang tunay na lider may lakas ng loob tanggapin at ipagmalaki ang kanyang nakaraan.



My Defining Moments:



Lumaki ako ng hindi kumpleto ang pamilya. Katulad ng marami, maagang nagsama, nag-asawa at naghiwalay and mga magulang ako. Ipinanganak ako sa pamilya ng mga nasa serbisyo sa sandatahan at kapulisan. Ang papa ko, si Henry na nanungkulan sa navy, mga kapatid niya naman ay nasa army. Ang mama ko si Isabelita, minsan laborer, madalas na housewife. Parehong mga magulang ko ay anak ng mga beterano sa hukbong sandatahan. Lahat ay mahahalagang tauhan sa ilang defining moments sa buhay ko.



Ang mga magulang ko ay nag asawa nung edad 17. Hindi ko lubos na nauunawan paanong napayagan iyon gayung istrikto ang parehong pamilya. Sa una medyo may tension sa bawat panig- kalaunan nagkatanggapan narin ang mga mag-balae.



Pangalawa ako sa tatlong anak- si Joanna ang panganay at Jhian, bunso.



Naging payak ang pamumuhay naming noon. Sapat lang ang kinikita ng papa habang tulong ng mama ang pagiging saleslady sa Virra Mall (walking distance- sa likod lang ng barangay). Bilang bata, masaya kayang lumaki sa bahay namin. Bago sila mag-opisina, lagi kaming may piso, bigay ni mama pambili ng taho; pasalubong naman na Dunkin Donuts araw-araw pag-uwi. Normal na pamilyang Pilipino nuong araw. 



Yung papa ko ay mabisyo at mabarkada- siguro'y di pa sawa sa pagka-binata. Ang paminsan na pagtatalo ay naging arawan. Sa murang edad ay naging saksing-pipi ako sa mga away sa pera, alak, babae, barkada, sugal at marami pang iba. Maagang nawala sa serbisyo ang papa. Kung na-discharge man o nag-retiro, hindi ako na alam. Basta ang malinaw, lumalaki ang pangangailangang pinansiyal dahil sa mag-aaral na kaming magkakapatid.



Dahil sa pangangailangan, nangibang-bayan ang mama ko nung 1989 makatapos manganak kay bunso. Excited pa kami nuong una kasi bigtime ang mga nag-aabroad! Bagong sapatos, pabangong Polo Sport, mga pera sa Middle East na malaki ang palitan sa piso. Lahat naman ito ay nagampanang mahusay ni mama hanggang dumating ang mga taon na hindi na siya sumusulat, ni padala ng voice recording sa cassette. Ito yung simula ng panandaliang pag-abanduna niya sa amin. (Mahigit 15 taon din bago kami nagkaroon ng communication- salamat technology! salamat Facebook at Viber.)



Dito sa Pilipinas, nangyari and mga hindi isahasan, sumakabilang buhay si Joanna nuong 1991 dahil sa sakit; sumunod ang tatay nuong 1995 dahil sa kumplikasyon sa liver. Lumaki na kami ng kapatid ko sa paternal grandparents- pamilya din ng mga sundalo at pulis. Naging biyaya sila sa amin dahil sa pagkupkop at pagmamahal sa dalawang bata na para naring naulila. Papahirap narin ang buhay noon nung mag-retiro ang lolo. Napagkakasaya ang konting pensyon mula sa gobyerno. Naging patunay ang palipat ko ng public school sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa buhay. Madalas pa nito ang mga naiiwang bayarin sa tubig, kuryente at gastusin sa araw-araw. Naging pagsubok naming ito hanggang pagtuntong ko ng kolehiyo.



Sa mga panahon na iyon ay marami akong tanong- sa sarili ko, na mga magulang ko, sa Diyos.

1.        "Ano ang kaya kong gawin para makatulong sa kabuhayan namin?"

2.      "Sino magtutustos ng pag-eeskwela ko?"

3.      "Nasaan ka mama ngayong kailangang-kailangan ka namin?" "Nasaan na mga pinangako mong Polo Sport at mga sapatos?"Nasaan na ang pangako mong magandang buhay?

4.      "Lord, bakit ganito ang nangayayari sa bukay ko?"



Itong mga tanong kasama ang maraming senti moments habang nakatingin sa kawalan, mag-isa at bibitaw ng isang malaking buntung hininga. Madalas na pag-daydream kung anong buhay ang gusto ko para sa  akin, sa kapatid ko at para sa magiging pamilya ko.



Wala akong naging sagot sa lahat ng tanong. Nguni ang sigurado ako ay dapat may gawin ako- hindi bukas…. ngayon. ASAP!



Nagdasal akong bahagya, taimtim-  kalahati nagtatanong parin, malaking bahagi ang pagpapasalamat at paghingi ng tulong- "Lord, I want to take charge of my life now for the future. Baguhin mo ang puso at pagkatao ko."



Ito ang bagong misyon sa buhay. Buo ang loob ko na gusto ko ng magandang pagbabago.



1.        "Mag-wo-working student ako!"



Pantustos na yung sweldo ko sa KFC at ACA Video sa pag-aaral. Yung sobra ay pang-grocery. Mahirap pala 'to pero alam kong may pinaglalaanan akong may kabuluhan. Parang tulong-lambing ko na sa lolo at lola ko.



2.      "Magtatapos ako ng kolehiyo!"



Taas noo kong sasabihin sa buong mundo na produkto ako ng public school system- iskolar ng bayan!

"I am a proud graduate of the Polytechnic University of the Philippines with a degree in Advertising and Public Relations." (naks! English)



3.      "Magkaroon ako ng disenteng trabaho para pag-aaralin ko ang kapatid ko." –



Naging bahagi ng sales ang marketing sa ilang multi-national companies- Mandom, AstraZeneca, Pfizer, Sony. Pagkatapos ng ilang bisita sa registrar at cashier gayundin ang di mabilang na promissory note, napagtapos ko si Jhian ng Marketing sa Central Colleges of the Philippines nuong 2006. (Isang imaginary pat on the back galing sa papa ko)



4.      "I will work my way up the corporate ladder." I still do- everyday.



5.      "Gusto ko ng magandang buhay para sa mga magiging asaw at mga anak ko." Dapat.



Siguro nga ay maaga akong nag-mature sa buhay. Lahat ito ay hindi magiging ganap kung hindi ako nagtanong at kumilos.



Sa ngayon, sa bawat araw ng ating buhay ay tuluy-tuloy parin ang laban.

Where we are now is a result of life-changing decisions we made by our previous self.



Leadership Behaviors:

1.        Kailangan ng "defining moment" para masukat ang character at determinasyon ng isang lider. -  "I want to take control of my life by being clear of what you really want."

2.      "Maging masinop sa mga paraan."

3.      As you take control of your life, let God be at the center of your faith; your family as your purpose and your career as an important enabler.

4.      Handang kumilos.



Nuong una, hindi ako kumportableng balikan yung nakaraan ako- mahirap, emosyonal at maraming drama. Pero kailangan ko rin para itong gawin para mapahalagahan mo ang mga importanteng tao sa buhay ko.  Kundi dahil sa mga pinagtahi-tahing karanasan, walang leksyon… walang personal na pagbabago.



Salamat sa mama at papa ko na hindi man sinadya ay  binigyan ako ng maraming pagkakataong magdesisyon para saking sarili.



Sa lolo at lola ko- habambuhay ko ipagpapasalamat ang iyong kabutihan at pagmamahal.





Leadership behaviors demonstrated:

Ang klaro sa akin ay kailangan kong maging ehemplo and inspiration sa ibang lalo na sa mga kasama ko sa trabaho at eskwela.  Katulad ng magagandang kwento at talambuhay ng mahuhusay na lider:



1.        Hindi hadlang ang kahirapan, kapansanan, pagkakataon para magtagumpay.

2.      Pamunuan mo ng mahusay ang sarili mong buhay bago maging lider sa iba. Be an inspiration to others.

3.      Maging masinop at masipag.

4.      Maging mapagkumbaba sa Diyos at sa lahat.




TRACING MY ORIGINS.

My Genogram



Ang kakapusan ng aming buong angkan sa maraming oportunidad ang naging balakid para magpursige ang marami sa amin. Kabilang ako.



Habang binabalikan ko ang aking pinanggalingan, nalaman ko ang mga sumununod na pangyayari gayundin ang maraming aral.



1.        MARAMI SA AKING MGA NINUNO AT MGA KAMAG-ANAK ANG HINDI NAKAPAGTAPOS NG PAG AARAL.

-          Education is something we need to advocate in the family. The value of education is critical to set the stage for the future generation.



2.      WE HAD MANY DEATHS IN MY PATERNAL SIDE OF THE FAMILY.

-          It occurred to me that health was a primary concern as most of my uncles died before their 40s. This led me to genuinely consider cutting my vices. It's difficult but I think I am making progress.

3.      I CAME FROM A MILITARY BACKGROUND.

-          This could explain my inclination to join the military when I was younger. Obviously, it did not pull through.

-          This paved way for me to pursue my passion in sales and marketing.



I came to appreciate the concept of "lumingon sa pinanggaligan."



Good values:

1.        Hardwork

2.      Love

3.      Entrepreneurship



Barriers:

1.        Education

2.      Marrying early

3.      Career building

4.      Family building



It is clear that there was a turnaround in the families of German Corcorro Garan and Clemente Rempillo Rabonza . There may have been result of decision made to marry early, stop school, work abroad. What I am saying is that these learnings are guidance of the current generation to embody important/ forgotten values.



It was truly a humbling exercise.









WHEN THE GAME STANDS TALL

My life story (JC Campbell)



Sa lahat ng napanood ko, ito ang pinaka-nagresonate sakin. Kumbaga sa hinampas na pako, tumagos… bumaon. The movie throws many instances that I can relate to.



Commitment.  

Accountability.  

Perfect Effort.  

Love.



This is a compelling story about growing up, commitment, forgiveness, brotherhood and standing tall. A film that continues to move me up to this very moment.



STORY OUTLINE:

 In 2003, high-school football coach Bob Ladouceur (Jim Caviezel) and his De La Salle Spartans have just completed an incredible 151 consecutive victories and 12-straight state championships. While the team's seniors receive offers from colleges all over the country, the advancing juniors look forward to making their mark. However, beloved "Coach Lad" has a brush with calamity, while the Spartans face their most-challenging, most-unpredictable season yet.



When The Game Stands Tall is a moving story about a winning high school football team that must find strength in each other after the loss of a teammate results in them losing a 151 game winning streak. The movie starts off a little slow and choppy, but ends on an inspiring, uplifting, powerful note that affirms family, faith and humility.



Maraming pangyayari sa buhay ko na kinailangan kong madapa, para makatayo ulit. Naging inspirasyo ko ang imahe ng katatagan- ng mga kamag-anak, kaibigan at ka-trabaho.



PAGKAKAHALINTULAD SA PELIKULA:

BREAKING THE STREAK:



In my 34 years of existence, I've have 'feats – good ones and extremely bad ones; most especially in my career. Just like Coach Bob, I found it hard not to zoom out from stress and look at the bigger and better perspective of things. It is not about the glory and fame or infamy and irrelevance but the ultimate goal- the end in mind – your core – family, love and success. Everything is relative if only we find peace in all that we do.



Success isn't given on a silver platter. This is something I learned early in my life. The things that I do in order to succeed requires blood, sweat and tears. These I'll do. These I promise.



"Life's most impressionable lessons are when something challenging happens and confronts you." – Coach Ladouceur











THE HELPER AND ACHIEVER IN ME

My Enneagram






Exam findings:

I am a Type 2 with a 3 wing: "The Helper Advocate"

These are the traits I believed I demonstrated in class:

1.        Helpful

2.      Harmonious/ peaceful

3.      Enthusiastic/ energetic

4.      Fun (but relaxed)





Bilang assignment, I intend to validate my learning so I will monitor this exercise through a project. I will be overseas for a business trip next week. I will expose myself to a series of group workshops as part of our strategic planning. I intend to do the following:



1.     Mag mentor sa isang brand marketer sa 3M tungkol sa insight mining:



WHAT I DID?

Naging informal coach in 2 brand marketer (mula sa ibang division) noong business strategic planning para maka formulate ng brand VMOSTM (vision, mission, objectives, strategies and tactics, measurement)



RESULT:

The marketer presented the plan to their group leader.

The program ran for 6 months and generated significant brand sales growth to the top 20 accounts mentioned.



LEADERSHIP BEHAVIOR DEMONSTRATED:

Collaboration and Teamwork



2.   Strike a conversation with 1 foreign colleague and WIN A NEW FRIEND.



WHAT I DID?

Shared my 2015 Marketing Plan Results to all SEA subsidiaries.

Reached out and shared PH best practices to 3 counterpart subsidiaries



RESULT:

They are now running their programs based on my suggestions.



LEADERSHIP BEHAVIOR DEMONSTRATED:

Developing self and others



INTERNAL AND EXTERNAL FACTORS THAT SHAPED ME:

These are awesome experiences I will never forget.



PAGIGING INDEPENDENT:

-          Unang nagka-kotse at magmaneho ng malalayong lugar ng probinsiya.

-          Unang makakausap ng propesyunal – doctor, engineer, nurse, etc. Naging kaibigan ko pa rin ang mga ito kahit nasa Maynila at ibang trabaho nako.

-          Unang naranasang kumota (syempre incentives). Pagtapos nung una, parang hindi na masyadong nasundan J

-          Unang nagkaroon ng maraming kaibigan mula sa iba't ibang background. Karamihan ng mga medrep sa Tarlac ay mga taga Maynila rin kaya magkukumpul-kumpol yan pag nasa ibang lugar.



Hindi nagging madali ang "letting go process" when I left the AstraZeneca in 2007. 4 years in Tarlac,  being independent, gaining new friends, earning a steady income and doing this in a place I considered second home are important things early in my career that I will always cherish. Outbase assignment happened again when I moved to Pfizer. Nung una sa Quezon City ako pero na-relocate ako sa Isabela. Nonetheless, I thrived. I survived.  Para magtrabaho sa malayong lugar, katulad ng pag-oOFW ay kailangan ng sakripisyo.



Strengths

Self-starter, hardworking, creative. (Naging malikhain ako sa maraming pagkakataon)



Given the life and work experiences, my core strengths are really from ground up. I don't mind starting from scratch. Mangyari na ang orientation ko ay "work and grow with what you have."



People-person, develop self and others

People skills are something we learned overtime- given the right mentor and development tools, we can make leadership more functional as we develop ourselves and soon, yung susunod na mga leaders.

I play to win!  (Hindi ako likas na competitive pero gusto ko manalo! Palagi)



Weaknesses

I tend to forget details.

Quick but smart decision making skills



Lagi ko binabalikan itong magandang example on risk management:

(lifted from the book, The Greatest Business Decisions Of All Time)



When Johnson & Johnson learned that bottles of it's Tylenol being sold in Chicago had been laced with cyanide and had left seven dead. CEO James Burke snapped into action. At the time the FBI was recommending against a recall to avoid panic during Halloween. Even so, Burke had his company pull of the shelves every bottle of the painkiller nationally and designed a taper-proof bottle- all at the cost of $ 100 million. Burke lived by the credo that a leader's responsibility was to those who use Johnson and Johnson products and services. The way he handled the tragedy became a textbook case for crisis management- Reveal everything you know fast and do everything necessary to take care of your customers.



My attitude towards challenges:

1.        Take a deep breath. Don't' let an issue big or small swallow you whole. At the end of the day, I should be clear what the end in mind is. If that is the case, evaluate and mitigate.

This is true having experienced a lot in my early life. Steady lang.



2.   Don't be afraid to raise your hand and shout help! This is a good application of humility. I don't know everything and I don't have all the answers. I always submit myself to mentoring and coaching processes. When in doubt, ask.



3.   Nothing beats the perfect effort.





Leadership Lessons:



1.        Humility. Hindi porke't nasa multi-national ka at taga-Maynila ka ay automatic na ang tagumpay. Lahat ay may puhunan ng sipag at diskarte.

2.      Pakikipag-kapwa tao. Tinuruan ako makisalamuha at makipag-kaibigan sa maraming personalidad na tumugon sa pangangailangan ko ng linangin ang pagkatao ko.



3.      Sipag. Kailangan ng energy and dedikasyon para maglakbay at magmaneho ng 6 na oras na susunod kong contact point. Then repeat.



The exercise taught me to revisit the past, connecting the dots. Malaki talaga ang kinalaman ng nakaraan para matuklasan mo na ito ang dahilan kung nasaan ka ngayon. Being leaders, it's really knowing yourself more. You're core as a person. Though this only we can be clear of our vision moving forward.


SAAN KO GUSTO PUMUNTA? ANO ANG GUSTO KO MARATING?
Where am I going?


Five-year plan and current status:




WHAT

STATUS

TARGET

Career Progression   

Marketing Leader/Division Head

Done J

What's next?



Finish MBA Degree

On-Going

Q1 2017



Take a short-term product management diploma course         

To apply internal

Q3 2017

Financial Progression           

Bank Savings (5X from current)



On going

Year End 2017



Income (1.5X from current)



On going

Year End 2016

Travel Opportunities

Business:         3M HQ / St. Paul, Minnessota



On plan

Year End 2018



Leisure:           Japan / Europe

On plan

Within 2017



What kind of leader to I want to be:

Naka-isang malaking check ako sa plano. Dito magkakasubukan ang temang, "leadership in action." Ito ay isang broadstroke description kung papaano ko nakikita ang sarili ko bilang leader:

1.        SINCERE. I will be the leader who talks less and listens more.

2.      ACTION MAN. I will be the leader who walks the talk.

3.      COLLABORATIVE. I will be the leader who shares the load.

4.      INSPIRATIONAL. I will be the leader whom my direct reports aspires to be… in and outside work.

5.      SOURCE OF CREDIBILITY. I will be the leader who emulates awesome perforamance!

6.     PLAYER'S COACH. Many professional would like to work with me because I bring the best in them.

7.      BRAND BUILDER. I will be the leader who consciously find ways to develop people and finally go up the ladder.

Sisimulan ko ito sa pinaka-recent na change. I need to hit the ground running.



PAANO KO ITO MAGAGAWA? PAANO KO ITO MARARATING?

How do I get there?

PERSONAL LEADERSHIP STRATEGIES:

1.        After coming to terms with yourself. Know what you can offer. What is my value to the team?

2.      Genuinely know your team. Their SWOT. Here is where I can be of value. Coaching and mentoring that will enable transparency and friendship.

3.      Make everyone (including yourself) accountable because winning is a team effort. Lahat ay may pananagutan. Walang free-loader.



STRATEGIES WE BUILT DURING THE CLASS TEAM BUILDING

BIYAHE SA ANIM NA ARTIKULO



  1. A TRUE LEADER IS ALWAYS HAPPY LEADER.
  2. A TRUE LEADER IS ALWAYS PREPARED.
  3. A TRUE LEADER IS ALSO A CHILD AT HEART.
  4. A TRUE LEADER CAN ROLL WITH THE PUNCHES.
  5. A TRUE LEADER STANDS OUT.
  6. A TRUE LEADER FIGHTS THE RIGHT GREAT BATTLES.





SHIFTING GEARS. SAME BIG TRAJECTORY

What's next? TACTICS



Simula ngayon hanggang anim na buwan, pagsisinupan ko na gawin ang mga sumusunod:



1.     Katulad ng pagkakakilala ko sa buhay ko, may bibigyang pansin ang mga katrabaho ko. I will ask them the same basic questions I reflected in class,

a.      What do you really want in life?

b.      What are your dreams and aspirations?

c.      How does 3M connect to your personal and professional development?

d.      How can I enable you to succeed?

e.      Will you allow me?



2.   Maaring maging makabuluhan ang LEARNING AGREEMENT para magkaroon ang mas malalim na kaalaman ang bawat isa sa roles and responsibilities papunta sa susunod na yugto ng karera.



3.   Higit ano pa man, I intend to add value to the team--- to my direct reports. Through this and many others, I can make a lasting impact to make the daily grind easier and enjoyable.





PANAPOS.



Wala palang panapos. Kasi nasa eksamen pa tayo.



Alam ko na ang akdang ito ay puro AKO.

Wala namang mali doon.



Sa dami ng leadership lessons from leadership gurus, dagdagan mo pa ng pagkaaaaa-dami-daming quotations, walang mas hihigit sa leksyon ng ating mga buhay.



Mula sa totoong pagtanggap sa ating nakaraan, sa lahat ng eksamen na binabato ng buhay ay tuloy ang pagdiriwang nito- gusto natin pagandahin, pagyamanin at planong ibahagi sa nakararami. Personal ko itong misyon.



Hindi pa ito tapos.

Tuloy parin yung biyahe.

Walang panapos.



Parang eksamen.

Mula sa Call To Arms



Kabilang si Prof, mga bata pa naman tayo e. Hindi masama magkamali. Minsan pwede pang magtanga-tangahan. Wag lang tayo masanay baka, mahipan ng masamang hangin.



Sa pansariling pagsusulit, hindi pa ko tapos. Yan siguro ang kagandahan sa misteryo ng buhay, hindi natin alam ang lahat. Pero hindi diyan nagtatapos ang lahat.



Mga kapwa lider-mag-aaral, hindi man klaro sa atin ang kinabukasan ay tuloy parin tayo sa pagsagot sa mga eksamen ng buhay - mapa YES or NO, multiple choice, matching type, identification man o essay.



Ito yung mga sasagot sa maraming tanong upnag makilala natin ang ating mga sarili.



Marami mang mali at bura.

Puro man blanko.

Kahit right minus wrong.

May time limit man.

Bagsak man ito sa paningin ng tao.

Hayaan nating ang Diyos ang maglagay ng pasadong marka at may tatak na, "good job anak!"



Wala munang pasahan ng papel, di pa tayo tapos!



Salamat mga kamag-aral lider sa inyong masinop na paghahanap ng purpose natin bilang hero-lider ng ating mga buhay-adventurer, buhay-propesyunal at buhay may pamilya.



Salamat Prof Jorge sa pagbabahagi ng oras at karanasan ninyo sa buhay. Ang inyong malasakit sa bagong henerasyon ay bagay na ipagmamalaki kong kwento pag natupad ko na ang pangarap ko na mag-turo rin.



Salamat sa inyong lahat at binigyan ninyo ako ng puwang upang mapagsilbihan ako bilang lider ng klase.



It was a pleasure working, learning and enjoying each class with you!



Hindi ka aandar kung di ka gagalaw.

Sa lahat ng gusto nating mangyari sa buhay, all we have to do it press START.



Sabi nga sa paborito kong kanta,



Magsimula ka. Pilitin mong tuklasin ang hanap.

Magdanas man ng maraming hirap.

Ang mithiin mo. Pag naging ganap.

Langit ng pagsisikap. Iyo nang malalasap.





Hanggang sa muli.






Leader Jermits Rabonza

Class President

MM LEADER




No comments:

Post a Comment