Hello Prof Jorge.
Sa ating kagalang-galang na guro, Prof. Jorge.
Wala munang pasahan ng papel, di pa tayo tapos!
Magandang gabi sa inyong lahat!
Hope everything's well.
Here is my piece for tonight.
EKSAMEN
Ni Jermits Rabonza
Sa lahat sa inyo mga lider-kamag-aral.
Magandang gabi.
Hindi kayo naguguluhan. Makatapos ng halos dalawampu't isang salita, malinaw na sa atin na mairaraos ko 'tong talumpati ito.
Anong ba talaga ang gusto kong paksa? Sabi natin sa klase, kahit ano… marami …. basta kung saan ka "passionate"
Pili ka. Naku yari!
I have so many things to talk about that I might miss the whole essence of this exercise.
Sa dami pinagdaanan nating pagsusulit- mula sa eskuwela, sa trabaho, sa pagkuha ng lisensiya, sa mga laro, sa buhay. Sabi nga ni Tupac Shakur, "every day is a test."
Naniniwala akong ang pinakamahirap na eksamen ay ang tunay na pagkilala sa sarili.
At hindi ito natatapos sa bio-data at vital-statistics.
Sino ba talaga ko?
What do I stand for?
What do I really want in life?
Kagaya ng maraming bagay sa tatlumpu't apat na taon ng buhay ko, nahihiwagaan parin ako kung bakit ako nandito….
- Bakit ako nag-eeMBA at hindi nag-vocational?
- Bakit sa Ateneo? Bakit hindi sa TESDA?
- Bakit ako nag-enrol sa Leadership class? Bakit hindi Solar Night Light Assembly… sa TESDA (oo, solar tapos night light!)
- Bakit minsan nag-eenjoy ako. Minsan hindi.
- Bukod sa grading kwatro, ano ba talaga ang gusto ko?
Tumingin ka sa katabi mo at itanong, "Ikaw, bukod sa pumasa, alam ba ang gusto mo sa buhay?"
Wala sa horoscope at tarot card ang sagot.
Wala kay Marcelo Santos III or dun sa paborito mong manghuhula.
Lalong wala sa agimat na bala.
Wag ka nang lumayo. Ikaw rin ang makakasagot!
Talong henerasyon ng pilosopo ang nangaral ng tunay na pagkakilala sa sarili.
Magbalik tanaw tayo.
Sabi ng Pilosopong Socrates, "an unexamined life is not worth living."
Sinegundahan ito ni Plato na kayang eskwela, "the essence of all knowledge is self-knowledge" at ni Aristotle, "knowing yourself is the beginning of all wisdom."
Sabi ko naman, "E di wow!"
Sakin naman, "in order to uncover what you really want in life, one has to live it."
It takes a lot of courage and humility to immerse deeper with our inner self.
Napapanahon itong mga pilosopiyang ito sa kabila ng maraming pinagkakaabalahang-karaniwan natin sa araw-araw. We are so absorbed with what happening around us, we tend to get lost with ourselves along the way.
Hindi tayo nababaliw, but there will be many voices out there telling you who to be, how to act and what to do.
Sa palagay ko, bukod sa young adult novels, magandang hanapbuhay ang pagsulat ng mga self-help books. Nakakatawa, imagine… SELF-AWARENESS FOR IDIOTS BY JERMITS RABONZA. May market kasi. Bibili ba kayo?
Again. You don't need others to tell you who you are. You are your own person.
Hinahalintulad ko yung pagkilala sa sarili nung nagsisinop ako ng 2016 brand marketing plan:
1. What do you stand for? / Ano ang mission at purpose mo sa buhay?
2. Where are you now? / Ano ang mga sinserong kahinaan at kalakasan mo?
3. Where do you want to go? / Ano ang mga pangarap mo? Saan ka magiging masaya/fulfilled?
4. How do you to get there? / Paano at kalian mo mararating?
5. Why do you want to get there? / Bakit mo ito gusto?
6. How would you know you got there?
7. Ta-target ka ba?
Ang daming tanong.
Sa palagay niyo siguro ay kilalang-kilala ko na ang sarili ko? Hindi. Pero I strive to know myself more. Everyday.
Ayon sa librong, "The Purpose Driven Life" ni Rick Warren, we can discover our purpose through speculation and revelation. Of course it all starts with God. We do all the work.
Mula sa defining moments, nag-aral ako. Nag-working student. Nagtapos. Nag-trabaho. Nag-aaral uli. Planong magtapos. Sa totoo, gusto ko din minsan matulog.
Yung strengths at weaknesses na akala ko ay pang job interview at evaluation lang ay mga bagay na natagalan pa nga akong sagutan sa learning agreement natin sa klase. Nagpapatunay na at any given point, we sometimes struggle to come to terms with ourselves and confidently share them to others.
Masaya akong nagsusulat- English, Tagalog, Tag-lish. Minsan walang sense. Madalas, masarap basahin. I love writing about the daily grind and slices of life. Naging active ako newsletters nung high school at college. Pag may pagkakataon, nagsusulat ako para ipakita sa ilang kaibigan at sa misis ko. Pangarap ko parin ang makapag-ambag ng piyesa sa Youngblood at magkaroon ng mala-Bob Ong or Lourd De Veyra na piyesa. Sarap mangarap. Malay mo.
Higit na maswerte yung mga bata pa lang, alam na nila kung sino sila at kung ano ang gusto nila sa buhay… pero mangilan-ngilan lang sila- sila Henry Sy ng Shoe Mart at Socorro Ramos ng National Book Store.
Kinasal at nagkapamilya ako makalipas ang 13 taon. Nakasal ako sa may crush sakin nung college, si Mary Ann. Habambuhay kong ipinagpapasalamat kay Papa Lord na sinagot niya ako ng, "Oo mahal narin kita" makalipas ng di mabilang na basted ko nung nakaraan. Araw-araw kong pinahahalagahan at mamahalin ang 1 buhay na regalo niya, si Mateo.
Since I started working, I really wanted to be in sales and marketing. The world of selling and branding is something that sparks my creativity and imagination. I wish to be around successful retail gurus because I want to learn from them. From an entry level marketer to where I am right now, masasabi kong wala akong karapatang magreklamo! Sobrang blessed.
Sana lahat tayo malayo ang gustong marating. Kung alam mong tunay mong gusto yung pupuntahan mo, hindi na mahalaga kung ano pa ang sakay mo. In life, it's the journey that counts di ba? Ako palipat-lipat. Minsan tren, madalas kabayo para nakakasigaw ako ng, "hiiiiiiyaaaaaagh! Tigidig-tigidig!"
Tuloy ang biyahe mga kamag-aral.
May mga stop-overs. May transit at transfers.
Pero walang titigil. Bawal mapagal.
Mahaba ba ang lakbayin para bumaba at mawalan ng gasoline.
Marami na tayong pinag-daanan at hindi na tayo mga bata na may malaking pananong sa noo para hindi masagot ang tanong, "sino ba talaga ko?"
Madalas nangingilid ang luha ko sa paborito kong kanta ni Leo Valdez.
Iisa lang ang buhay mo. Kumilos ka. Gamitin mo.
Kung may nais ang puso mo. Mangarap ka.
Abutin mo. Upang ito'y makamit mo.
Magsikap ka. Simulan mo.
Magsimula ka. Pilitin mong tuklasin ang hanap.
Magdanas man ng maraming hirap.
Ang mithiin mo. Pag naging ganap.
Langit ng pagsisikap. Iyo nang malalasap.
May nasimulan nako. Pero sa palagay ko, nasa biyahe parin.
Ako si Jermelito G. Rabonza, tatlumpu't limang taong gulang. May asawa at anak. Nagtapos ng kolehiyo sa pampublikong paaralan habang nag-woworking student. Labin-tatlong sa sales and marketing. Nangangamuhan ngayon sa isang multi-national company. Tumutulong ako sa mga pinsan at pamangkin sa San Juan.
Mahilig akong magsulat, pinapasaya ako sa lingguhang sine at food court. Hindi ako nagmintis sa issue ng FHM. May bisikleta akong 6 na buwan ko nang hindi nagamit. Mahilig ako sa beer. Gusto ko magkaroon ng aso.
Madali akong madistract. Minsan pikon. Madalas wala sa sarili.
I am very passionate of work and my family. I work to develop myself and others. I play to win.
Plano ko ring i-enjoy ang buhay. Bumiyahe sa US and Japan next year. Maglilibang lang. Pag-iipunan.
Magiging boss ako sa marketing next year. Papalitan ko ang boss ko pagtapos ng 2 taon.
Gusto ko rin may papalit sakin.
At siyempre, I will try my best na dugtungan ang old-school kong pangalan ng 3 letrang naka-all caps.
So thre, I'm the man with the plan.
Kabilang si Prof, mga bata pa naman tayo e. Hindi masama magkamali. Minsan pwede pang magtanga-tangahan. Wag lang tayo masanay baka, mahipan ng masamang hangin.
Sa pansariling pagsusulit, hindi pa ko tapos. Yan siguro ang kagandahan sa misteryo ng buhay, hindi natin alam ang lahat. Pero hindi diyan nagtatapos ang lahat.
Mga kapwa lider-mag-aaral, hindi man klaro sa atin ang kinabukasan ay tuloy parin tayo sa pagsagot sa mga eksamen ng buhay - mapa YES or NO, multiple choice, matching type, identification man o essay.
Ito yung mga sasagot sa maraming tanong upnag makilala natin ang ating mga sarili.
Marami mang mali at bura. Puro man blanko. Kahit right minus wrong. May time limit man.
Bagsak man ito sa paningin ng tao.
Hayaan nating ang Diyos ang maglagay ng pasadong marka at may tatak na, "good job anak!"
Maraming salamat po.
Lider Jermits Rabonza
Saludo ako sayo, kaibigan! Isulat at ilimbag ba ang librong yan! Ako ang unang bibili at hihingi ng fan sign sa'yo. Isa kang inspirasyon.
ReplyDeleteSalamat partner. Challenge i-compile yung mga dating nasulat. Happy to write. Happy to inspire. Wala munang pasahan ng papel, di pa tayo tapos!
ReplyDelete